“Kailan pa kayo dumating, Celestine?” tanong ni Elizabeth sa akin habang lulan kami ng sasakyan. Malapit nang dumilim sa labas at ngayon lang kami nagpasyang umuwi. Nag-usap pa rin kasi si grandmama at si Headmaster Louis na inabot din ng mahigit tatlong oras. Plano ko rin sanang sumama kanina sa Imperiali sa pagpunta nila sa Forbidden Forest ngunit hindi na pumayag si Andrius. They are planning to check the vicinity of the forest. Nagbabaka-sakaling may makitang bakas ng mga nakatakas. Nagpilit pa akong sumama pero pare-pareho silang tumutol. Kahit si grandmama ay hindi ako pinayagang sumama sa kanila, kaya wala akong nagawa kung hindi ay hintayin ang paglabas sa klase ni Elizabeth, at kung kailan matatapos ang pag-uusap ni grandmama at ng headmaster. “Kanina lang, Elizabeth. Ipinatawa