“Kailangan mo lang akong masugatan, Claire. Kahit saan pang parte ng katawan ko,” sabi ko sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan ko at matamang nakatingin sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng training room. I told the others to let us do this alone. Sa ganoong paraan ay makakapag-focus siya sa pagsasanay namin. Kinuha naman nilang pagkakataon iyon para makapagsanay ngunit sa ibang silid. “Hindi ba ay sobrang dali naman ng pinapagawa mo? Kaya kitang sugatan kahit hindi ako umaalis dito sa kinatatayuan ko,” sagot naman niya. Tumango ako at ngumiti. “Sige. Titingnan natin kung ano ang mga kaya mo. Kung saan ka mahina at kung saan ka malakas.” Tinutulungan ko siya dahil maraming nilalang ang nangangailangan sa kaniya pagdating ng araw. Iyon lang ang dahi