Nakaalis na si grandmama at kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas. Ipinikit ko ang mga mata at pilit na tinatawag sina Ryoko at Tetsu. Katulad ko yata ay nakatulog din sila. Hindi ko sila maramdaman sa mga oras na ito. “Ryoko, Tetsu. Nasaan kayo?” Habang hinihintay ko sila ay nag-focus naman ako sa pagtatanggal ng nakagapos sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng kamay ko at kasabay rin noon ang hindi maipaliwanag na sakit dulot ng mahika na mayroon ito. Halos mapahiyaw ako dahil pakiramdam ko ay sinusunog nito ang buong katawan ko. Habol ko ang hininga noong tuluyang matanggal ang nakagapos sa aking mga kamay. Tagaktak ang pawis ko at nanghihina pa ang aking katawan pero nagpilit pa rin akong makaupo. Mabilis ko na lang din natanggal ang nasa paa ko dahil malaya na

