“Hi. Ang ganda mo naman.” “Bagong miyembro ka ng Imperiali?” Maingay sa loob ng classroom namin kanina pa dahil sa pag-uusyoso ng mga kaklase namin kay Claire. Nakatayo siya sa unahan habang pinapaligiran ng mga babaeng kasama sa silid. Wala ang mga lalaking Imperiali dahil kasalukuyan silang nag-iikot sa Forbidden Forest kaya kaming mga babae ang naiwan para bantayan siya. “I am Claire Vidal. I am the daughter of the Moon Goddess,” may pagmamalaking wika niya sa unahan. Malaki ang ngiting ibinibigay niya sa mga nakapaligid sa kaniya. Sabay-sabay naman na nagsinghapan ang mga iyon at hindi magkaintindihan kung paano babatiin ang bagong saltang nilalang. “Talaga ba? Kaya pala sobrang ganda mo!” namamanghang ani Luela na hawak ang kamay ni Claire. “Sana ay