Nanatiling tahimik ang mesa hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ko na rin itinuloy ang pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng galit. At walang sinuman ang pwedeng sumalubong doon dahil pareho kaming sasabog. “She’s rude. Ayaw niya po yata sa akin.” Pagsusumbong ni Claire sa headmaster. Oo. Nandito kami ngayon sa opisina ni Headmaster Louis. Dumiretso kami rito matapos naming kumain. Si Elizabeth ay pinahatid ko na muna kay Mr. Tummy pauwi ng bahay, dahil mukhang matatagalan pa ako rito. She needs some rest. Sumandal ako sa upuan at tahimik na pinapanood kung paano siyang umiiyak na nagsusumbong sa taga-pamahala ng university. Magkaharap kaming nakaupo at ang Imperiali naman ay nasa likod namin. Andrius wants to sit besid