Bumalik kami sa Mourose at umakto na parang walang ibang nalalaman. Pinagplanuhan namin na sa aming walo lang muna mananatili ang sikretong natuklasan hangga’t hindi pa namin nalalaman kung ano talaga ang totoo. Alam ko rin na maalaga silang lahat pagdating sa akin kahit noong una pa lang, pero mas lalo yatang nadagdagan iyon ngayon. “You should eat a lot, Miss Celestine. Ilang araw lang ang nakalipas ay ang laki na ng ipinayat mo,” ani Asher at iniabot sa akin ang dalawang sandwich na hindi pa nagagalaw. “Maraming salamat, Asher.” Ngumiti ako. “Walang anuman, Miss Celestine." Napansin ko ring bumabalik na siya sa pagtawag sa akin sa ganoong pagtukoy, kahit anong saway ko ay ayaw naman magpatinig. Ipinilig ko na lang ang ulo at tiningnan ang mga pagkaing nakaha