“’Wag kang magtitiwala sa kahit na sino.” Iyon ang mga huling sinabi ni Claire na kanina pa ring nagpapagulo sa isip ko. Sinong siya ang tinutukoy niya? Sino ang magagalit? At ikinapagtataka ko ay noong bigla siyang masunog sa harapan namin. I didn’t do anything. Alam kong hindi ang apoy ni Ryoko ang gumawa noon sa kaniya. I won’t kill her because we still need answers from her. Ngunit hindi na mangyayari iyon dahil wala na siya. “Masiyado akong nabibigla sa mga pangyayari,” ani Ethan. Kanina pa siya paikot-ikot dito sa loob ng silid. Matapos noong nangyari kanina sa training room ay agad kaming pumunta sa silid ng Imperiali. “Hindi ka nag-iisa, Ethan,” wika naman ni Brianna. “Sino kaya iyong sinasabi niya na magagalit sa kaniya? Ibig sabihin ay mayroong nilalang sa li