“I miss you, darling.” Bungad ni grandmama sa akin nang makababa ako sa sasakyan. Natitigilang pinagmasdan ko siya na mabilis na humalik sa pisngi ko. Umabrisyete pa sa aking braso at iginiya papasok sa loob ng bahay. Nilingon ko naman si Elizabeth na tumatangong nakasunod sa likuran namin. “Na-miss kita, apo. Nagluto ako ng maraming putahe. Halina at kumain na tayo. Kanina pa ako naghihintay sa pagdating ninyo,” wika niya habang naglalakad kami papasok. “Magpapalit na po muna kami ni Elizabeth ng damit,” sagot ko. Kakauwi lang namin galing university at mabuti sana kung magpalit na ng damit pambahay. Mabilis siyang umiling. “Mamaya na, darling. Mabuti pang kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain. Hindi na iyon masarap kapag malamig na.” Parang bata