Fortunately, we won the second round. Hindi ko nga lang nakita na tanggapin nila iyong premyo dahil nauna na akong umalis sa kanila. Ipinagpapasalamat ko na lang din na walang sumunod kahit isa sa kanila. Alam kong naiintindihan nila ang sitwasyon. Alam din naman nilang magkukwento ako kapag handa na ako. “Celestine, can I come in?” Narinig kong wika ng isang boses mula sa labas. Hindi pa ako nakakasagot ay nagpakita na si Tita Rosan dito sa loob. Bumangon ako at sasalubungin sana siya ngunit inilingan niya ako. “It’s okay, darling.” Mabilis siyang umupo sa tabi ko. “Bakit po, tita? Mayroon po ba na problema?” nag-aalalang tanong ko. Umayos pa ako ng upo at humarap sa kaniya. Noong ngumiti siya ay pansamantalang nawala ang inaalala ko. “No. Wala namang