“Be careful.” Dahan-dahan kaming bumaba ng barko at nagsimulang tahakin ang magandang isla na ito. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ulap na abot kamay lang namin. Malamig din ang simoy ng hangin. Maaliwalas at makulay ang paligid dahil sa naggagandahang mga bulaklak na nakatanim dito. This place is a paradise. A beautiful paradise. Bahagya akong lumingon para tingnan kung mayroon na bang paparating ngunit kahit isa ay wala kong nakita. Wala pa ang ibang mga kalahok. “Looks like they had a hard time finding the right key,” ani Zachary na naglalakad sa tabi ko. Nililingon din niya ang direksyon na pinanggalingan namin. “Yeah. And I wish for their safety,” wika ko bago muling ibinalik ang atensyon sa unahan. “Mabuti na lang magaling ang kasama namin at nakuha niya iy