“Mag-iingat ka roon. H’wag kang magpapatuyo ng pawis. Maraming towels akong nilagay sa loob ng bag mo. May biscuits din diyan.” Hindi pa ako nakakaalis pero sunod-sunod na ang bilin ni Elizabeth sa akin. “May mahahaba akong damit na inimpake para kung sakaling malamig at malamok sa puder ni Accalia ay hindi ka mahihirapan. Mahirap na, ang flawless pa naman ng skin mo. Sayang kung magkakapeklat lang.” Napapangiti ako habang pinapakinggan siya. Daig pa niya si grandmama kung mag-alala at mag-alaga sa akin. Napatingin ako kay Mr. Tummy na nangingiti rin habang pinagmamasdan ang kaibigan ko. “Lagi kang kumain sa oras. Bawal na bawal magpalipas ng gutom, Celestine. Kukurutin talaga kita sa batok! H’wag mo ring papansinin si Accalia kapag umiiral na naman ang pagiging bitchesa niya. Wala