“Our pack is facing a worrying situation right now,” simula ni Accalia. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Some of our pack members went missing.” “Missing? Paanong nawawala?” nagtatakang tanong ni Amori. “As in nawala. Ano pa ba ibang ibig sabihin ng missing, Amori?” natatawang sagot naman Asher. "Nab-bo ka na ba?" Pumunit ng papel si Amori at kinusot iyon para maghugis bilog at mabilis na binato si Asher na mayroong malaking ngising nakapaskil sa labi. Agad namang nakaiwas ang lalaki kaya lalong nainis ang kaibigan ko. “A-shole! Alam ko ang ibig sabihin no’n. Pero kapag hindi ka pa tumigil sa pagtawa ay ikaw ang mawawala sa mundo. Itaga mo sa bato!” inis na sagot ni Amori sa kaniya. Itinaas naman ni Asher ang magkabilang kamay na tanda ng