“Let’s get it on, baby!” malakas na ani Asher at nauna nang sumugod sa mga bangkay. Inilabas nila ang kanilang mga sandata at nagkani-kaniyang galaw na rin ang mga kasama ko. They moved with agility and speed. Namamangha ako habang pinapanood ang mabibilis nilang galaw. Hindi maipagkakaila na talagang nagsanay sila ng mabuti para sa ganitong mga tagpo. “You guys need to rip off their heads,” ani Andrius na walang ginagamit na kahit anong sandata sa pakikipaglaban. Iniikot lang niya ang mga ulo ng mga ito at bumabagsak na agad sa lupa. Nakakamangha na sobrang galing niyang makipaglaban. Bihira lang ang mga nilalang na hindi kailangan ng sandata sa tuwing may laban. Accalia and Karmela transformed into a werewolf. Mabilis na sinasakmal nila sa ulo ang mga bangkay. Ang kambal nama