“Pasensya na kung iniwan ko kayo.” Muling sumulpot sa harapan namin ang higanteng wizard kaya tumahimik ang lahat. May dala siyang limang malalaking bag at walang ingat na ibinagsak sa harapan namin. Nanuot agad sa aking ilong ang mabangong amoy na nagmumula sa bag na iyon. Mukhang alam ko na kung ano ang nasa loob at ito ang kanina ko pang hinihintay na mangyari. Pinadali niya lang ang trabaho namin. “Hindi ba ang bulaklak ng Camellia Japonica ang pakay ninyo rito?” Sumeryoso ang tingin niya sa amin. “Ibinibigay ko na sa inyo ang lahat ng bag na nasa harapan. Hindi n'yo na kailangan pang hanapin kung nasasaan ito dahil ako na mismo ang nagdala para sa inyo.” “At ano ang kapalit?” naninigurong tanong ni Amori. Inilibot ng higante ang paningin at pumirmi agad iyon sa k