Chapter Thirty One

2464 Words

Kinabukasan ay dinala kami ni Apo Lucio sa isang kweba, hindi kalayuan sa bayan nila. Nakahiwalay ito sa kabahayan at napapaligiran ng mga mamamayan na silang nagbabantay din dito.   “Dito muna namin pansamantalang inilagi ang mga mamamayan sa bayan na bigla na lang nagkaroon ng mga marka noong lusubin ang bayan namin,” ani Jupiter. Siya iyong lalaking laging kasama ni Apo Lucio.   “Magandang umaga po, Apo…” bati ng mga nagbabantay sa kaniya. Bumati rin ang ilan sa amin.   Inilibot ko ang tingin sa labas. Malaki ang kwebang ito at maaari nga na paglagian muna nila.   “Tuloy kayo mga hija at hijo,” baling sa amin ni Apo Lucio at nagpatiuna nang maglakad.   Sunod-sunod kaming pumasok sa loob. Maliwanag sa loob dahil sa mga sulo ng apoy na nakalagay sa magkabilang gilid ng lagusan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD