Chapter Thirty Two

2602 Words

“Handa ka na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari?” tanong ko nang medyo humupa na ang kaniyang emosyon.   Mahinang paghikbi na lang ang maririnig ko mula sa kaniya. Mapula na ang kaniyang mga mata at basa na rin ng luha ang kaniyang salamin. Pansamantala ko iyong tinanggal para hindi siya mahirapan.   “Y-yeah,” aniya. “Salamat, Celestine.”  Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti bago bumuntong-hininga. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.   “Wala na akong bahay at muntik pa akong mamatay.” Humarap siya sa akin at pagod na ngumiti. “Noong isang gabi, naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Nakita ko na lang na nilalamon na ng apoy ang bahay ko. K-kung hindi ako nagising…” Huminga siya ng malalim. “Kasama na sana akong naging abo ng bahay ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD