“Good morning, Elizabeth. Ang aga mo namang nagising. Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” Lumapit ako sa kaniya na kasalukuyang naghahanda ng mga lulutuin. Siya agad ang nabungaran ko rito sa kusina. I gave her a peck on her cheek and settled myself on the high stool. “Magandang umaga rin sa ‘yo, Celestine.” Nginitian niya ako bago muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. "Nope. Maayos naman ang naging tulog ko, sadyang maaga lang akong gumigising." “Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” Umalis ako sa pagkakaupo at pinanood ang kaniyang ginagawa. Pumangulambaba ako sa counter at tiningnan kung paano niya maingat na hinihiwa ang sausage. Mayroon ding nakahiwalay na chopped onions and garlic sa kabilang tabi. Sa isang bowl naman ay nakalagay ang lutong kanin. “Ano palang niluluto