Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng classroom kahit na nakaalis na si Andrius. I could hear their faint breathing and tensioned hearts. Kahit si Accalia na madalas ay samaan ako ng tingin at taasan ng kilay ay hindi nagagawi ang tingin sa akin. Tahimik din na nakaupo sa magkabilang gilid ko si Amori at Elizabeth. They did not dare to talk. Madalas ay sila iyong walang preno ang bibig kahit na anong oras. Tumikhim si Mr. Alarcon. “I t-think I need to postpone our class for today. Nakalimutan kong may meeting pala ulit kami,” aniya bago nagmamadaling lumabas ng classroom. Nahulog pa ang mga dala niyang libro at mabilis din namang dinampot iyon. “Pakiramdam ko'y hindi rin ako makahinga,” malakas na ani Ethan at naglulundag pa sa harapan. Tumayo si Zachary at naglakad din patu