“Kung wala kayong kinalaman sa mga nangyari no’n sa akin, ibig sabihin hindi rin kayo ang nagplano nang pagsunog sa bahay ko?” Humiwalay si Elizabeth sa pagkakayakap at matamang tiningnan ang dalawa. Kung kanina ay nagulat ang kambal sa mga hinanakit niya, ngayon naman ay halos lumuwa na ang kanilang mga mata. “Huh? Bakit naman namin susunugin ang bahay mo? May sarili kaming bahay at iyon na lang ang susunugin namin kung gusto pala naming magsunog.” Nakakunot ang noo ni Brianna at tumingin din pabalik kay Elizabeth. "Bakit mandadamay pa kami ng iba?" Sigurado rin ako sa sariling hindi magagawa ng kambal iyon. Sa mga araw na nakasama ko sila ay naramdaman ko ang pagiging sinsero nila sa lahat ng bagay. Ramdam ko rin ang tunay na pagpapahalaga nila para sa akin at sa iba pang mga