"I love you so much," Andrius softly whispered in my ears. Kanina pa niya ibinubulong iyon sa akin at kanina pa walang paglagyan ang sayang nararamdaman ng puso ko. Nanatili kami rito sa loob ng kwarto niya. We are lying in bed. Nakapatong ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang nakakulong ako sa mga braso niya. Sa ganitong ayos namin ay kuntento na ako. Ramdam ko ang kapayapaan sa pagitan naming dalawa. I could still feel and hear the loud and fast beating of his heart. "P-paano si Accalia? Hindi mo ba talaga siya mahal?" tanong ko. Ito ang kanina pang nagdudulot ng agam-agam sa puso ko. Kahit na masaya ako ay may tanong pa rin ako sa puso ko. Iniisip ko pa rin ang babae. "Accalia." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "She is special to me. But you are the one that I love.