"Tawagin n'yo na ang King Imperiali. Pakisabi'y gising na ang mga bihag." Naririnig kong saad ng kung sino mula sa loob ng silid na tinatahak namin ngayon ni Andrius. "Mukhang kanina pa nila tayo hinihintay," nag-aalalang sabi ko kay Andrius. Hindi ko namalayang nakatulog ako kanina habang yakap niya. At hindi ko alam kung gaano ako katagal na pinapanood ni Andrius dahil nang nagising ako ay nakita ko siyang nakamasid lang sa akin. "I'm the King Imperiali and I can go whenever I want. Mas mahalaga ang pinag-usapan natin. Mas mahalaga ka. Ikaw ang laging una sa lahat," seryosong sagot niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nakagat ko ang aking labi. Gustong supilin ang ngiting gustong sumilay doon. Nagsasabi lang naman ako. Hindi naman niya kailangang pakiligin ako. "Let's go, b