"Mauna na ako sa iyo?" tanong ni Amori sa akin kinaumagahan. "Hmm. Sige, Amori. Susunod na lang ako sa baba. Mag-aayos lang ako. Aayusin ko rin ang mga gamit ko para kung sakaling uuwi na tayo mamaya." Ngumiti ako at hinayaan siyang lumabas ng silid. Kakatapos ko lang maligo. Si Brianna ay kanina pang gising at kanina pa rin wala sa kwarto. Si Amori naman ay nagugutom na raw kaya hinayaan ko nang mauna sa hapag. Mabilis lang din akong natapos. Ipinatong ko sa kama ang bag ko para kung mabilis na lang na kukunin mamaya. Muli kong sinuklay ang ang aking buhok gamit ang daliri at naghanda na paglabas ng kwarto. "Oh my gosh!" nagugulantang kong saad nang mukha ni Andrius ang una kong nabungaran pagbukas ko ng pinto. Magulo ang kaniyang buhok kahit na mukhang bagong paligo. Amoy na amoy ko