“Nasaan si Elizabeth? Bakit hindi pa bumababa? Masama ba ang kaniyang pakiramdam? Hindi kakain?” sunod-sunod na tanong ni grandmama kinabukasan. Nasa harap kami ng pagkain at tahimik na nag-aalmusal nang bigla siyang magsalita. “Umalis na po si Elizabeth, grandmama,” sagot ko at tiningnan ang magiging reaksyon niya. Agad siyang napahinto sa ginagawang pagtusok sa bacon at marahas na tiningnan ako. Kumunot ang kaniyang noo. “Bakit naman biglaan ang naging pag-alis? Hindi man lang nagpaalam sa akin.” Tumaas ang kilay niya. Ibinalik ko ang atensyon sa kinakain bago muling nagsalita. “Dumating po ang kaniyang tiyahin. Doon muna siya pansamantalang titira dahil mag-isa lang din naman ito sa kaniyang bahay. Hindi na po nagawang magpaalam ni Elizabeth dahil wala naman