CHAPTER TWENTY FIVE ELSA “WALA NA BA KAYONG NAKALIMUTAN?” Inilagay ko ang bag ni Jay-ar na may disenyo ng minions sa loob ng sasakyan bago bumaling kay Nanay Nina na nakatayo sa may gilid, malapit sa bougainvillea na nasa harap ng bahay. “Wala na Nay. Sigurado po ba kayong hindi kayo sasama sa amin? Kahit ngayong araw lang?” nagsusumamo kong tanong sakanya. Umiling lang siya sa akin. Ngayong araw kasi kami lilipat sa bahay namin, kung saan kasama na namin si Tonyo. Ang ibang gamit namin ay nailipat na namin kahapon at dahil sa tulong ng mga kaibigan ni Tonyo. Mabuti nalang at hindi gaano madami ang gamit namin at mabuti nalang may elf sila Joseph kaya naman hindi na namin kailangan pang mag hire ng tricycle para mailipat ang mga gamit namin. “Oo. Basta mag-iingat kayo roon. Dada