CHAPTER TWENTY SIX TONYO ITO NA ATA ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Akala ko ay hindi ko na mararanasan ang kasiyahan pero nagkakamali ako dahil biglang ibinigay ni Lord si Elsa sa buhay ko. “Anong nginingiti mo dyan? Nag-iisip ka na naman ng kalokohan at kahalayan ano?” tinaasan ako ng kilay ng babaeng mahal na mahal ko. Nakasuot siya ng kulay pink na apron at nakapusod ang buhok niya, bun style. Tapos ay may hawak siyang sandok sa isang kamay habang yung isa ay nasa bewang niya. “Wala naman. Masaya lang ako. Nakauwi na ako,” lumapit ako sakanya at masuyo ko siyang hinila bago pinatakan ng mababang halik sa kanyang malalambot na mga labi. “Welcome home mahal,” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi pa siya nakuntento at tumingkad siya para mahalikan niya ako na agad k