CHAPTER TWENTY SEVEN ELSA “ANO!” hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sinabi ni Tonyo ngayon ngayon lang. Nakanganga pa ako habang nakatayo. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga kasi gulat na gulat talaga ako sa mga sinasabi niya. “Ano mahal… hindi naman talaga alas sais ang pasok ko hehe,” sabi niya tapos nagkamot pa siya ng ulo na para bang may kuto siya roon kahit na wala naman. “Eh bakit sa tuwing nasa karinderya ako noon eh sabi mo alas sais ang pasok mo?” tanong ko puno ng pagtataka ang utak ko. Sabi niya kasi noon sa akin ay alas sais ng gabi ang kanyang pasok kaya naman iyon ang alam ko at pinaniwalaan ko. Kaya naman gulat na gulat ako ngayon sa kanya dahil inamin niya ang katotohanan. Naglilihim din pala ang isang Tonyo! Minamadali ko kasi siya dahil malapit ng m