CHAPTER THIRTY SIX REVELATIONS OF THE TRUTH. ELSA ANG BILIS magdaan ng mga araw. Ang dalawang buwan ay naging dalawang linggo nalang. Hindi na rin kami mapakali pareho ni Tonyo kulang nalang ay iabante na niya ang kasal pero hindi naman puwede. Dalawang linggo nalang naman eh. Tiis tiis nalang. “Hindi na ako makapaghintay na maging misis ka mahal. Excited na ako,” tuwang tuwa niyang sabi habang nakaupo kami sa sala. Si Jay-ar ay abalang maglaro ng kanyang lego sa sahig habang kami ni Tonyo ay nag- uusap lang at nakaupo sa sala. “Oo nga mahal. Dalawang linggo nalang at magiging Mrs. Calaunan na rin ako,” kinikilig na sabi ko. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Yun bang ikakasal ako sa lalaking minumura at sinusungitan ko lang noon. Mapaglaro nga naman ang tadhana. Hindi n