CHAPTER THIRTY FIVE ELSA “MAS MABUTI KUNG DIRTY WHITE NALANG,” sabi niya habang nakatingin sa mga naka- display. Pati ako ay napatingin na rin tuloy sa mga gowns na nakadisplay. Medyo creepy nga lang yung mga mannequin na nasa gilid dahil walang nakasabit na gown doon kaya iniiwasan kong mapatingin doon part. Hindi ko naman pinangarap ng bonggang kasal pero itong si Tonyo ayaw magpaawat. Ang sabi niya minsan lang daw siya ikasal sa akin at gusto niyang gawing memorable at special. Minsan iniisip ko na parang siya yung babae sa aming dalawa eh. Mas maarte pa siya sa akin. Kung ang sa akin ay okay na ang simple, sakanya ay bongga raw. Dapat daw romantic. Pinag- ipunan niya naman daw ang kasal namin. Ang advance mag- isip ng loko. Nag- iipunan na raw kasi siya simula nang makilala niy