CHAPTER THIRTY FOUR TONYO “ALAM mo master sa mental na talaga bagsak mo kapag hindi ka pa titigil kakangiti dyan,” sabi Jerome at sobrang matalim ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Kanina pa kami rito sa ospital dahil duty namin. “Walang basagan ng trip brad,”sabi ko tapos ngumiti na naman. Monday na ngayon at natapos na ang proposal ko, nag yes na siya pero hindi pa rin ako makapaniwala. Para pa rin akong nakalutang sa ulap. Ayaw ko na bumaba sa ulap dahil sobrang sarap sa feeling. Hirap mag move on sa nangyari. “Oh edi sana all. Bye na nga,” sabi niya tapos tumayo na. Naghihintay nalang kasi kami mag- alas sais. Pasado alas- singko naman na eh. Ilang oras nalang makikita ko na naman ang future misis ko. “Shet, excited na ako umuwi,” hindi ko mapigilang sabihin, kinikilig. Bali