Kabanata 11: Tulala

1557 Words
Dean's PoV Nakatingin ako kay Shyra habang pinapakain nito ng merienda ang pamangkin ko, mula noong dumating si Shyra ay nabawasan na ang ingay ng mga katulong sa bahay ko sa pagsuway kay Ice. Habang nakatingin ako kay Shyra ay naiisip ko ang mga sinabi nito kanina kay Channel dahil ito lang ang bukod tanging nakagawa no'n sa nobya ko. Sa ugali ni Channel walang katulong na nakatagal sa akin. Bukod sa napakaselosa ng nobya ko ay masiyado din itong demanding. Napansin yata ni Shyra na tinitignan ko siya kaya naman binalingan ko ang juice at ininom iyon kahit na hindi naman ako nauuhaw. "Bossing, day off ko na nga pala bukas. Lunes na ako ulit ako niyan babalik?" mahinang tanong niya sa akin. "Bakit naman lunes? Linggo ng hapon, 24 hours lang ang day off mo," seryosong sagot ko. Hindi naman ito nakangiti sa sinabi ko. Alam kong makikipagkita lang ito kay Rigp o kaya naman sa manliligaw nito na si Knight. Ano bang pakialam ko? Muli kong tinignan si Shyra. "Sige, lunes ng umaga." Binawi ko ang sinabi ko dahil baka isipin pa nito na hinihigpitan ko siya. "Ang importante lang naaalagaan mong mabuti si Ice. Nakausap ko nga pala ang mama mo, Ice. Next month susunduin ka na niya rito at babalik na kayo ng Manila." Natutuwang binalingan ako ni Ice. Namilog ang mga mata nito. "Isasama ko po si Yaya Shyra kapag umuwi kami ng Manila ni Mommy." Hinawakan nito ang kamay ni Shyra. "Sasama ka po sa akin, Yaya?" Tumango naman ito at saka ginulo ang buhok ng pamangkin ko. "Hindi kita iiwan, Ice. Kung saan ka naroon ay naroon din ako." Bigla akong naramdam ng lungkot. "Boss, papayag ka naman po?" "No." Napatitig ito sa akin. "Boss?" "I mean, yes." Tumayo ako at kinuha ang aking cellphone sa lamesa. "Mas mabuting wala ka rito sa bahay." Tinalikuran ko si Shyra. "Manang Berry, aalis ho ako. Kailangan kong maglibot sa mga negosyo ko." "Tito, pasalubong ha!" pahabol na sigaw sa akin ni Ice. Nilingon ko siya at nginitian. Nakita ko naman sk Shyra na nakatingin sa cellphone nito. "Bukas pa ang day off mo!" malakas na sabi ko na ikinagulat nito. Napakamot ito ng batok at ibinalik sa bulsa ng cellphone. "Mag-iingat ka, bossing." Kinawayan pa niya ako na para bang isang bata. Muli akong naglakad patungo sa sasakyan ko, isang black na Toyota fortuner ang ginamit ko. Ipinagbukas ako ng gate ni Kuya Lindo. Nagbusina lang ako upang magbigay ng pasasalamat dito. Habang nagmamaneho ako hindi maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Channel. Kung hindi ko magagawang sisantehin si Shyra ay makikipaghiwalay ito sa akin. Noon, mahal na mahal ko si Channel kaya lahat ng gusto niya sinusunod ko. Ngunit ngayon... hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matakot na mawala siya sa akin. Nakipag-break na ako sa kanya dahil nasasakal ako ngunit nakipagbalikan siya sa akin kaya tinanggap ko ulit dahil ang sinabi niya sa akin magbabago na siya ngunit babae pa rin ang palagi naming pinag-aawayan. Iwinaksi ko sa aking isip si Channel. Mahal ko siya pero hindi ko hahayaan na diktahan niya ang buhay ko. Lalo na ngayon na kailangan ni Ice ng Yaya na katulad ni Shyra na kasundo na nito. Binisita ko isa-isa ang mga negosyo ko kahit na naka-monitor naman sa akin ang mga report ng mga tauhan ko. Gusto ko pa rin makasigurado na hindi napapabayaan ang mga negosyong pinaghirapan ko. Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Attorney Marubdob, ang attorney at legal counselor ni Don Simon. "Good afternoon, Mister Vicente. Gustong ipaalam sa iyo ni Don Simon na bigyan mo pa siya ng ilang linggo para mahanap ang kanyang anak." Inihinto ko sandali ang aking sasakyan sa gilid ng daan. Talagang desidido si Don Simon na ipakasal ang anak nito sa akin dahil lamang sa huwad kong pakikipagkasundo rito. Hanggang ngayon ay gayaman pa rin ito sa pera. "Attorney Marubdob, ayoko ng pinaghihintay ako, lalo na ngayon may nakita akong lupa sa Talavera. Magandang pagtayuan ng private resort." "Mister Vicente, bigyan mo kami ng dalawang linggo." Napangiti ako at ibinaba ang tawag nito sa akin. Noon ako ang nagmamakaawa sa harapan nito, ngunit ngayon baliktad na ang gulong ng aming mga kapalaran. Nag-ikot lang ako sa construction company na itinayo ko kasama ng mga kaibigan kong engineers at architects na kasosyo ko. May mga malaking projects na rin kami katulad ng pagpapatayo ng mga tulay at subdivisions. Pagkatapos kong makasiguro na walang problema ay nakipagkita ako kay Marlon, ang best friend ko na isang Architect. Ito ang gumagawa ngayon sa isang project namin sa Subdivision sa Tarlac. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa La Union dahil nandito ang construction company namin. Si Marlon ang pinagkakatiwalaan ko ng aking mga sekreto dahil pareho kaming laki sa hirap. Hindi ko lamang sinasabi sa kanya ang aking plano. Kailangan kong itago iyon kahit na sa aking nakakatandang kapatid. Hindi nito kailangang malaman ang pakikipagkasundo ko ng kasal sa anak ni Don Simon upang makapaghiganti. "Kanina ka pa ba, tol?" tanong nito sa akin. Kadarating lang nito at tinapik ang balikat ko. "Hindi naman. Nag-order na ako ng iced tea at saka pizza," nakangiting sabi ko rito. "Eksakto medyo gutom na ako." Hinimas pa nito ang malaking tiyan. Medyo chubby si Marlon, may salamin ito sa mga mata at may mga puting buhok na rin. Thirty eight years old na ito at tatlong taon ang tanda sa akin." "Kumusta naman ang project natin sa Tarlac?" tanong ko rito bago uminom ng iced tea. "Alam mo naman na maayos ang trabaho, tol. Ayokong pag-usapan natin ang negosyo dahil walang problema. Gusto kitang kamustahin dahil nagkita kami ni Channel at umiiyak siya habang nagsusumbong sa akin." Bumuga ako nang malalim at isinandal ang likod ko sa upuan. "Tol, alam mo naman na masiyadong selosa si Channel. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya." Tumawa naman ito ng mahina. "Tol, maganda raw ang Yaya ng pamangkin mo, e. Totoo ba?" Napailing ako sa sinabi ni Marlon. "Lahat naman ng babae na nakikilala niya na malapit sa akin, maganda." "Tol, ito ang unang beses na sinabi niya iyon sa akin. Ang salitang maganda, galing sa isang model na katulad ni Channel." Muli akong bumuga nang malalim. "Nakipag-break na ako pero hindi ko siya natiis kaya naging kami ulit. Mahal na mahal niya ako, Tol. At mahal ko rin naman siya." "Three years din kayong magkasintahan kaya dapat lang na mahalin ninyo ang isa't isa. At iyong babae na Yaya ng pamangkin mo, kung hindi talaga siya gusto ni Channel dapat paalisin mo na." Kumuha ito ng isang slice ng pizza at kinain iyon. "Hindi ko naman iyon magagawa kay Shyra. Siya lang ang kinakatakutan at pinapankinggan ng pamangkin ko. Alam mo naman kung gaano kakulit ni Ice." Napangiti na lamang sa akin si Marlon. "Maganda nga talaga ang Yaya ni Ice. Ipakilala mo nga sa akin para ako na magsabi kay Channel na layuan ka na niya," nakangising sabi nito sa akin pagkatapos ay tinawanan ako. Naiinis na tumingin ako kay Marlon. Totoong maganda nga siya at pasaway din dahil sa pagiging prangka. ALAS OTSO na ng gabi ako nakauwi dahil napasarap ang kuwentuhan namin ni Marlon. Pagkatapos namin kaninang magmeryenda sa coffee shop ay nakarating kami sa isang restobar at sandaling nag-inuman. Habang iginagarahe ko ang aking sasakyan ay nakita ko si Shyra na nasa laundry area. Naka-head band ito ng black, nakasuot ng bulaklakin na daster at nakatsinelas. Habang isinasampay nito ang mga underwear sa hanger na may clip. Naririnig ko pa siyang kumakanta habang nagsasampay. Napailing na lamang ako at naglakad patungo rito. Day off nito bukas at gusto kong bigyan ito ng advance na sahod para hindi naman ito kawawa "Nandiyan ka na namang pasulyap-sulyap sa akin. Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin... ba't di mo subukang aminin dahil ang puso ko'y sadyang naghahanap din nang tunay na pag-ibig, na tangi kong mamahal--- Put*ng In*!" Napahawak ito sa dibdib at nabitawan ang kulay puting panty nito. Mabilis nitong dinampot iyon at saka umatras ng isang hakbang palayo sa akin. "Bossing, nakakanerbiyos ka naman! May kailangan ka, bossing?" Napatingin ako sa mga mata ni Shyra. Napakunot ako ng noo dahil iba ang kulay ng mga mata nito. Kulay asul at abuhin ang mga mata nito. "Naka... naka-contact lens ka ba?" Mabilis itong napailing. "Bossing, may lahi kasi akong russian. Namana ko sa Nanay ko." Nagkamot ito ng batok. "Wala kasi akong contact lens ngayon dahil tinanggal ko. Inaasar kasi ako na may lahing impakto kaya palagi akong nagsusuot ng contact lens, malabo din kasi ang mga mata ko." Napakurap pa ito habang kausap ako. Iniabot ko kay Shyra ang dalawang libong piso. "Heto, baka wala kang pamasahe sa date ninyo ng mga manliligaw mo bukas." Muli akong napatingin sa mga mata ni Shyra. Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko. Kinuha nito ang pera na iniabot ko. "Salamat bossing." Nakatingin lamang ako sa mga mata niya lalo lamang itong gumanda sa paningin ko. "Bossing..." Untag nito sa akin. "Si-sige, tapusin mo na iyan para makapagpahinga ka." Tinalikuran ko na lamang si Shyra. Napahawak ako sa tapat ng aking puso... sobrang bilis ng pagtibok nito. Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD