Kabanata 12: Mahalaga

1737 Words
Luna’s PoV NANGHIHINA akong napaupo sa gilid ng laundry area dahil pakiramdam ko lalagnatin ako. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ako ni Dean sa ganitong ayos. Mabilis niya akong tinalikuran kanina, napansin kaya niya na wala akong suot na bra? Nasapo ko ang aking noo dahil naubusan ako ng under wear. Hindi ko naman kasi maharap na maglaba dahil palaging nakabantay si Dean. At kanina na wala na ito ay sinulit ko na kaso naabutan pa rin ako. Binigyan pa ako ng dalawang libo. Samantalang iyong laman ng ATM ko nasa two million na. Napabuga ako nang malalim. Ninerbiyos talaga ako kanina. Mabilis kong tinapos ang aking mga labada. Karamihan kasi sa mga bra ko puro sports bra kaya naman wala akong maisuot ngayon maliban sa manipis kong sando. Napatingin ako sa aking mga dibdib na nakatayo. Maganda ang hubog dahil wala pang nakahawak maliban sa akin. Muli akong napabuga nang malalim at kinuha ang puting tuwalya ko. Isinampay ko iyon sa balikat ko para matakpan ang aking mga dibdib. Mas mabuting ganito ako palagi kapag wala akong suot na bra. Mahirap na baka mamaya bigla kong malumpo si bossing o kaya naman ay mapatay ko siya. Marami rin akong uniform at damit na nilabhan, gamit ko kasi ng isang linggo ang nilabhan ko. Sandali akong nag-squat sa may bermuda grass. Inilagay ko sa bulsa ng duster na hiniram ko pa kay Manang Benigna ang perang ibinigay sa akin ni Dean. Magagamit ko iyon bukas para panlibre kay Knight. Hindi mababawasan ang ipon ko at nakatipid pa ako. Isa pa, kailangan ko ring masilip ang erpat ko. Kahit naman masama ang ugali nito ay erpat ko pa rin. Kailangan ko pa ring alamin kung kumusta siya at kung hinahanap pa rin ba niya ako. At saka, kailangan ko ring malaman kay Attorney Marubdob kung sino ba ang Vicente na iyon. Kailangan kong malaman kung sino ang taong iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakatingala sa kalangitan. Dinama ko ang preskong simoy ng malamig na hangin. Ganito ang ginagawa ko kapag pagod ako at maraming iniisip. Nag-ring ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa aking bulsa. Tumatawag sa akin si Knight. Alam ko na ang dahilan kung bakit. Nakangising sinagot ko ang tawag ng aking kaibigan. “Sino naman iyong Rigo? Noong isang araw pa tawag nang tawag sa akin. Tapos text nang text oras-oras at minu-minuto. Sino ba iyon, ha?” Natawa ako sa maging reaksyon nito. “Easy. Pasensiya ka na. Wala na akong maisip, e. Makikita kasi kaya naman ibinigay ko sa kanya ang number mo. Block mo na lang, katulad ng dati. Oo nga pala, Knight. Magkita tayo bukas ng maaga sa apartment ko sa Pascasio. Magdala ka ng malamig na pulang kabayo ha. At ako na bahala sa pulutan.” Dumaan sa tabi ko si Dean. Mukhang narinig nito ang sinabi ko kay Knight. Nagtungo ito sa sasakyan na ginamit nito kanina at may nakalimutan sigurong kunin. “Sige… wala rin naman akong pupuntahan bukas. Marami rin akong kuwento sa iyo.” “Ganoon ba, Knight. Sulitin na lang natin bukas. Good night, Knight. Take care.” Tinapos ko ang pakikipag-usap kay Knight dahil nakikinig sa akin si Dean. Huminto sa tapat ko si Dean. Hawak nito ang bag na may laman na laptop. “Pumasok ka na sa loob!” malakas na sabi nito sa akin. “Kapag isinara ko na ang main door hindi ka na makakapasok.” Inayos ko ang tuwalya sa aking harapan at saka tiningala ito. “Sige lang bossing. Ibinigay sa akin ni Manang Berry ang duplicate ng susi sa main door. Sa likod na lang ako dadaan mamaya bossing, magpapaantok lang muna ako rito.” “Bilib din talaga ako sa iyo Shyra. Baka mamaya kung ano na lang ang magawa mo sa---” Mabilis akong tumayo at hinarap ito. “Bossing, excuse me lang ha. Kung iniisip mo na nag-iespiya ako para pagnakawan ka, mali ka ng iniisip bossing.” Tsk, bakit ko naman siya pagnanakawan, million na ang pera ko sa bangko. Napalunok lamang ito sa sinabi ko. “Palagi ka kasing nandito sa labas. Alam mong mahirap magtiwala sa panahon ngayon.” “Hindi mo ako kailangan na paghinalaan, bossing. Isang linggo mo na rin akong kasama rito. Kung may gagawin man akong masama sa iyo dapat noon pa lang. Hindi ko nakakalimutan na inilibre mo ako ng isang libo---” “And fifty pesos,” dagdag pa ni Dean. Umupo ito sa bermuda grass at saka binuksan ang laptop. “Hindi rin ako makatulog. Gusto mo bang manuod ng movies dito?” Mukhang bumait yata ang boss ko dahil sa mga mata ko, a. In love si bossing sa mga mata ko. Charez! Umupo naman ako sa tabi ni Dean. Isang metro ang layo ko mula sa kanya. Kunsabagay, kahit na malapit ako kapag may ginawa siya sa akin na masama… tumba na siya kaagad. “Mahilig ka ba sa mga drama?” tanong nito habang nakatingin sa laptop at naghahanap ng mapapanood sa Yutub. “Mahilig ako sa mga movies na p*****n, bossing. Gusto ko ngang mapanood iyong SAW 5.” Napakunot ng noo si Dean. “SAW 5? Anong klaseng movie ba iyon?” “Gore Movies, madugong p*****n, bossing.” Napalingon sa akin si Dean. “What?” Kinuha ko sa kanya ang laptop niya at iti-nype ang pelikula na gusto ko. Ibinaba ko ang laptop nito at saka ko ipinatong ang aking baba sa kaliwang tuhod ko. Sa background ng movie ay tunog ng isang makina ng chainsaw at may isang babae ang tumatakbo. Hinabol ng nakamaskarang lalaki na may suot na duguan apron. “Shyra… ga-ganyang klase ng… sh*t!” Napatakip ng mga mata si Dean nang hiwain ng lalaki ang tiyan ng babae gamit ang chainsaw. Tumalsik ang mga lamang loob at bumuhos ang maraming dugo sa may kalsada. Inagaw ni Dean ang laptop nito at saka isinara iyon. Natawa ako ng malakas sa naging reaksyon nito. Nakabawi na ako sa mga kasungitan nito sa akin. Kung hindi ito makatulog ngayong gabi ay hindi ko na kasalanan. “Sira ulo ka talaga!” “Hindi ako mahilig sa mga romantic movies at drama movies bossing. Bakit mo nga pala ako kinakausap ngayon? Hindi ka ba natatakot na baka isumbong kita sa nobya mo?” Tumingin sa akin si Dean. Inilapit nito ang mukha sa akin. “Wala akong dapat na ikatakot.” Napatingin ako sa mga labi nito at ganoon din ito sa akin. Napaatras ako at saka ibinaling sa may swimming pool ang aking paningin. Parang gusto ko na lang yatang lumundag sa swimming pool. Biglang nag-init ang lalamunan ko at bigla akong nauhaw. “Bossing, papasok na ako sa loob.” Mabilis akong napatayo at ganoon din ang ginawa nito. Nagtama ang aming mga noo at parehong sapo ang mga iyon. “So-Sorry, bossing.” Mabilis akong naglakad patungo sa may laundry area. Doon na lang ako dadaan para diresto sa kusina at sa aking kuwarto. “Shyra!” tawag sa akin ni Dean pero hindi ko na siya nilingon. Bigla akong kinabahan at ninerbiyos. Napailing ako at saka bumuga nang malalim. Hindi dapat ako nagkakaganito. Hindi p‘wede! Kailangan kong idistansiya ang aking sarili sa lalaking… taken na. *** “ANG LAYO naman yata ng tingin mo, Shy? Kanina ka pa walang imik diyan, a?” tanong sa akin ni Knight. Nasa itaas kami ng aking apartment at nakasandal ako sa may bintana. “Pasensya ka na kung wala akong nabili na pulutan, nakalimutan ko na mag-withdraw.” Pagdadahilan ko rito kahit na ang totoo ay nawala ko iyong pera ko kagabi na two thousand pesos. Ayoko naman na mag-withdraw dahil nagtitipid ako. Iniisip ko ang future ko hanggang pagtanda ko. Kaya naman ngayon pa lang ay sobra na ang pagtitipid ko. “Ayos lang, sanay na ako sa iyo, Shy. Oo nga pala, hindi ko pa naikuwento sa iyo si Mister Oasis, nakabalik na ng bansa at may illegal na namang ginagawa.” Si Mister Oasis ay kabilang sa lider ng sindikato na nag-uugnay sa mga menor de edad na kababaihan at dinadala sa mga bahay aliwan. Naipakulong na nila ito noon ngunit nakalaya at nakapag-abroad pa. “Tama lang sana na tinuluyan ko na lang ang gagong iyon!” nanggigigil na sabi ko rito. “Shyra, hindi naman p‘wedeng ilagay mo sa iyong mga kamay ang hustisya. Alam mo naman ang protocol ng trabaho natin kapag sumuko na sila hindi na dapat natin sila binabaril o ginagalaw. “ Naiinis na itinungga ko ang bote ng pulang kabayo. Sumayad sa aking lalamunan ang malamig na beer. “Sa susunod hindi ko na siya pagbibigyan pa, Knight. Maraming mga inosenteng kababaihan ang nasisira ang buhay at nailalagay sa kapahamakam dahil sa katulad ni Mister Oasis. Nakakainis ang mukhang gasul at bansot na matandang iyon!” Sinuntok ko ng malakas ang paladpad ng bintana. Sa ginawa ko ay nabali iyon dahil marupok na rin. “Kumusta nga pala ang trabaho mo?” Tumabi sa akin si Knight. Pareho na ngayon kaming nakasandal sa may bintana. “Mabuti naman. Huwag mo na akong alalahanin dahil okay lang ako, Knight. Ang isipin mo ay ang iyong sarili.” Nakipag-tost sa akin si Knight at inubos namin ang tig-dalawang bote ng pulang kabayo na binili nito. Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyari sa opisina bago ito tuluyang magpaalam. Sandali naman akong nagpahinga at saka nagdesisyon na puntahan ang aking ama. Sasakay na lamang ako ng jeep patungo ng Nueva Ecija. Pagkababa ko sa apartment ay nagtungo ako sa gotohan ni Aling Marta. “Shyra, may lalaki nga pa lang nag-iwan sa akin ng pera. Dalawang libong piso para sa iyo raw. Kanina pa siya natayo diyan sa may tapat ng apartment mo. Ang sabi ko nga sa kanya kasama mo sa taas iyong boyfriend mo. Noong nakita niya na lumabas kanina, umalis na rin siya. Dean ang pangalan no‘ng lalaki,” pagkukuwento ni Aling Marta sa akin. “Ah, naku salamat po.” Inabot ko ang perang iniwan ni Dean. Talagang sinundan pa talaga niya ako hanggang dito sa sa La Union. Ibinulsa ko ang aking pera at saka nagtungo sa sakayan ng tricycle upang magpahatid sa terminal ng jeep. Kailangan kong malaman ang kalagayan ng aking ama bago ko isipin si Dean at ang ibang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD