Kabanata 1: Ang Pagkikita

1129 Words
Luna's PoV "Anak ng tokwa naman oo!" sigaw ko habang nasa loob ng aking lumang owner jeep. Umusok na naman ang makina at itinirik pa ako nito sa daan. Inalis ko ang suot kong leather jacket at inihagis iyon sa loob ng sasakyan ko. Sa inis ay sinipa ko ang gilid ng sasakyan bago ko buksan ang takip ng makina nito sa harapan. Napaubo pa ako sa matinding usok na dala niyon. "Hindi ka talaga maasahan, thunder!" sigaw ko sa inis habang kinakalampag ang aking paboritong sasakyan. Huminto sa aking tabi ang isang lalaking naka-hoodie jacket at nakasakay sa motorsiklo na pang-racing. "Nasiraan ka, Miss?" tanong nito sa akin. Pinameywangan ko siya. "Halata ba?" naiinis kong tanong. Alam na nga nito ang sagot tinatanong pa ako. Bumaba ng motorsiklo ang lalaki at tinignan ang makina ng owner jeep kong umuusok. "Wala na itong pag-asa na maayos pa, Miss. Ang mabuti pa tumawag ka ng gagawa dahil malaki na ang sira ng sasakyan mo," sabi pa ng lalaki sa akin. Wala naman pala itong maitutulong sa akin. Napasabunot na lamang ako ng buhok kaysa magmura. Kanina ko pa tinatawagan ang bestfriend kong si Knight pero hindi naman ito sumasagot. Nasaan naman kayang planeta naroon ang aking kaibigan? Panay pa ang pag-vibrate ng isang cellphone ko sa bulsa. Hindi ko na alam ang uunahin ko ngayon. "Miss, p'wede kitang ihatid sa---" Kinuha ko nag leather jacket ko sa loob ng owner jeep ko at sumakay na ako sa likod ng motorsiklo niya. Nagulat ito sa ginawa kong pag-angkas. "Halika na. Wala akong pera rito kaya hindi kita mabibigyan ng kahit pang-gas mo man lang. Ililibre na lang kita ng goto sa labas ng apartment ko." Tinapik-tapik ko ang balikat ng lalaki. Hindi ko siya kilala pero mukha naman siyang mabait kahit na mukhang masungit. "Saan ka ba nakatira, Miss?" malamig na tanong nito sa akin. "Sa Pascasio, Barangay Tagayan. Ibaba mo na lang ako sa may tindahan ng goto para maisali kita sa listahan ko kay Aling Marta. Kaya halika na at ihatid mo na ako dahil kanina pa ako naje-jebs!" Tumawa nang malakas ang lalaki sa sinabi ko. Tinatawanan ba niya ang sinasabi ko? Masama bang maging prangka lang ako? Nililibang ko lang ang aking sarili ngayon dahil magkikita na naman kami ng ikalawang anino ko. Ang isang pagkatao kong gusto kong kalimutan pero hindi ko naman p'wedeng takasan. Ang pagiging anak sa labas ni Don Simon Ruiz, isang mayaman at maimpluwensyang haciendero sa bayan ng Nueva Ecija. Bumuga ako nang malalim at tumingin sa daan. Mahusay magpatakbo ng sasakyan ang lalaki. Ibinaba niya ako sa lugar na sinabi ko. Lumakad ako patungo sa tindahan ng goto ni Aling Marta. "Shy! Kumusta ka na iha? Isang buwan na din noong huli mong uwi diyan sa apartment mo, a. Baka naman magbayad ka na ngayon sa mga utang mo? Aba'y mahaba na?" reklamo ng matanda sa kaniya. "Magkano na ho ba ang utang ko, Aling Marta?" Tinignan ng matanda ang listahan ng utang ko rito. "Isang libong piso na, Shy!" Kinindatan ko ang lalaki na nagtanggal ng suot na hoodie jacket. Inakbayan ko siya at nginitian. "Heto nga pala si Kumpare ko, Si... ano nga ba ang pangalan mo?" mahina kong tanong dito. "Dean," sagot naman nito sa akin. "Si Kumpare Dean ang sasagot sa utang ko Aling Marta kaya iyong dagdag kong order idagdag mo na sa listahan ko. Hindi ba, pare?" nakangiting tanong ko sa kanya. Napailing ang lalaki sa inasal ko. "Naisahan mo yata ako. Sinabi mong ako ang ililibre mo." "Sa ibang araw na lang siguro. Pinag-iisipan kong ibenta iyong bulok kong owner jeep para makabayad sa mga utang ko rito. Halika na magmeryenda na muna tayo bago ka umalis." May kinuha ako sa bulsa ng pantalon ko. "Heto, numero iyan ng cellphone ko. Tawagan mo ako sa numerong iyan kapag sisingilin mo na ako." Nagugulat si Dean sa aking ikinikilos para kasi akong lalaki. Puro ba naman lalaki ang nagpalaki sa akin. May iniabot din ito sa akin na isang business card. "Kung wala kang trabaho naghahanap ako ng katulong." "Katulong, a?" nakangising tanong ko rito. "Dean Moran pala ang buong pangalan mo." "Oo," nakangiting sagot naman nito sa akin. Itinago ko sa aking bulsa ang business card nito. "Halika na kung ganoon kumain na tayo. Salamat sa libre mo, ha. Hindi ko ito makakalimutan, Dean Moran," mariin kong sabi rito. "SHY! SAAN ka na naman pupunta? Hindi ka na lang maging permanente dito sa bahay. Kababae mong tao pero kung saan-saan ka pumupunta at kung kani-kanino ka sumasama!" malakas na sermon sa akin ni Dad na kasunod ko siyang bumaba ng hagdan. Nilingon ko siya at saka nginisihan. "Kumuha ako ng mga damit ko dahil gusto kong makasiguro na walang magiging problema ang negosyo ninyo sa Bulacan, sir." Kailan pa ba ito naging concern sa akin? Hindi ko matandaan na maalalahanin pala ang aking ama. Mula noong maging XXX agent ako siya na ang pinagsilbihan ko. Wala akong utos na tinanggihan mula rito. "Tawagin mo akong daddy, Shy!" Nginuya ko ang bubble gum na nasa bibig ko at saka iyon pinalobo bago magsalita. "Dahil namatay na iyong asawa ninyong matapobre kaya gusto ninyong daddy ang itawag ko sa inyo? Ibang klase din po kayo, sir. Tauhan lamang po ninyo ako at kung ano ang gusto ninyong ipagawa sa akin ay susundin ko." "Luna... anak..." Masama ko siyang tinignan sa mga mata. "Shyra, ang itawag mo sa akin Sir Simon. Huwag mo akong tatawagin sa tunay kong pangalan. Kinuha ko lang ang mga natitirang mga gamit ko rito at aalis na ako para bantayan ang negosyo ninyo sa Bulacan. Kung may ipag-uutos pa kayo sa akin tumawag na lang ho kayo." Tinalikuran ko ang aking ama. Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit kami naghirap ni Nanay. At kung bakit ako naging XXX Agent para bigyan nang hustiya ang pagkamatay ng nanay ko. "Umuwi ka ng maaga dahil kailangan nating pag-usapan ang kasal ninyo ni Vicente." Napahinto ako sa aking paglalakad palabas ng malaki nitong bahay. Kunot-noong nilingon ko siya. "Kasal?" "Tama ang narinig mo, Luna. Ipapakasal kita kay Vicente. Hindi ka p'wedeng tumanggi dahil iyon ang utos ko." Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito. "Hindi ko pakakasalan ang taong hindi ko pa nakikita. Sa pangalan pa lang niyang Vicente na iyan, mabantot na. Pasensiya na kayo, Sir Simon. Humanap na lang kayo ng ipapakasal ninyo sa kanya. Marami kayong alagang mga baka, ibigay ninyo si mestiza para maipakasal sa lalaking iyon. Aalis na ako dahil may trabaho pa ako, sir." "Luna!" sigaw pa nito. Hindi ko na siya nilingon. Naiinis ako sa sinabi niya. Tsk! Ano ako, bagay? Isang ulam na p'wedeng i-partner na lang sa kanin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD