Luna’s PoV PAGLABAS namin ng club ay dumating na ang mga pulis. At na-corner na ng mga ito si Oasis kasama ng dalawa nitong ka-transaction. Naririnig ko ang malakas na mura ni Oasis sa mga pulis na nasa harapan nito. Inayos ko ang aking facemask at ganoon din si Knight. Iniwan namin si Dean na nakatayo sa gilid ng sasakyan. May daplis ito ng tama ng baril sa kanang braso dahil hinila niya ako kanina. Gusto pa yata nitong magpakabayani para mapatawad ko siya. Nilapitan namin si Dar na may hawak ng attached case. Duguan ang braso nito habang nakasandal sa may itim na van. Nakasuot din ito ng facemask na may bahid ng dugo. “Wala akong kinalaman dito! Kailangan kong makausap ang abogado ko!” pagpupumilit ni Oasis habang pinoposasan ito. “Frame up ang lahat ng ito dahil mainit kayo sa akin!

