Kabanata 15: Concern

2391 Words
Luna’s PoV MASAKIT ang aking ulo nang magising ako kinaumagahan kaya naman minabuti ko na mag-jogging para pagpawisan ako. Alas kuwatro ng madaling araw ako lumabas ng bahay ni Dean. Naging kaibigan ko na rin si Kuya Lindo kaya naman pinayagan niya ako na lumabas ng bahay ni Dean para mag-jogging. Nakasuot ako ng itim na dri-fit short at hoodie jacket na kulay gray. May suot akong sweat band na kulay puti at saka naka-sneakers ng itim. Dahan-dahan lang aking pagtakbo paikot sa subdivision. At habang tumatakbo ako ay nakasalubong ko si Rigo at ang mga barakada nito. “Miss… p’wede ba kaming sumabay?” nakangiting tanong nito sa akin. “Sige ba,” nakangising sagot ko rito na hindi ito tinitignan. Naririnig ko ang pagbubulungan ng mga ito na para bang may masamang binabalak sa akin. Binalingan ko sila at saka ako napailing. Hindi naman malalaki ang mga katawan ng dalawang lalaki na kasama ni Rigo. At si Rigo naman hindi rin gaanong malaki ang pangangatawan. Mukhang baguhan nga lang ang mga ito sa gym. Sinadya kong maglakad na lang kami sa dulong bahagi ng subdivision. Patungo na ang exit niyon sa kabilang highway. Wala ng gaanong mga bahay sa dulong bahagi ng subdivision kun’di ang nakikita ko ay ang basketball court. Hinawakan na ni Rigo ang kamay ko. “Shyra, p’wede bang maka-iskor?” bulong nito sa akin. Sa mga mata pa lamang ni Rigo ay nababasa ko na ang hindi magandang balak nito sa akin. Lalo na ang dalawang kaibigan nito na nakatitig sa katawan ko. “Sige,” nakangiting sabi ko rito. Pumayag ako na dalhin ako ni Rigo sa bahay na itinuro nito. Ini-lock ng mga kasama nito ang pinto at saka ako dinala sa loob ng kuwarto. “Bahay ko na ito, Shyra. Hindi ka magsisisi dahil papaligayahin ka naman,” bakas ang kasabikan sa boses ni Rigo. Mabilis nitong hinubad ang suot na damit. Ang dalawang kasama naman nito ay nasa loob ng kuwarto at nakasandal sa may nakasarang pinto. Napahawak pa ang mga ito sa mga pagitan at minasahe ang mga iyon. Sa may lamesita may nakita akong belt na kulay itim. Napangisi ako sa aking naisip. “Ahm, Rigo…” Sinadya kong gawing mapang-akit ang aking boses upang mapaniwala ang mga ito na gusto ko ang gagawin nila sa akin. Hinawakan ko ang didbib ni Rigo at saka ko siya itinulak sa kama. “Boring kasi sa akin kung walang thrill ang s*x kaya naman… gusto kong mag-enjoy.” Kinuha ko ang belt at saka hinawakan ang magkabilang kamay ni Rigo. “Magugustuhan mo ang gagawin ko,” sabi ko na inilapit ang mukha sa may leeg nito. Pinatalikod ko ang kamay ni Rigo at saka mahigpit na itinali ang belt doon. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawang kaibigan nito. Sinadya kong alisin ang hoodie jacket ko para naman hindi magtaka ang mga ito sa gagawin ko. “Shyra… mas lalo kaming nasasabik sa iyo,” nababaliw na ani Rigo na kinagat pa ang ibabang labi. Ibinaba ko ang shorts ng mga ito at tanging brief na lamang ang natira. Nakahiga ang mga ito sa kama. Sinunod kong itali ang mga paa ng tatlo na magkakasama. “Shyra, hindi ko alam na sobrang wild mo pala,” sabi pa ni Rigo na hindi makpaghintay sa gagawin ko. Matapos kong maitali ang mga paa ng mga ito ay hinatak ko ang tali at binuhol ko iyon nangahigpit sa magkabilang dulo ng kama. Ibinaba ko ang suot nilang mga brief at base sa mga ar* ng mga ito na nasa harapan ko mukhang galit na galit at nangingislap pa ang mga ulo. Iba-iba ang kulay, taba at laki. Si Rigo ang pinakamalaki pero may pinakamaliit na ar* samantalang iyong dalawang patpatin na kasama nito ay malalaki ang mga ar* at matataba pa. Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng ar* dahil madalas na mga bahay-aliwan ang pinapasok ko dati para magpanggap na G.R.O. Naupo ako sa silya at saka ako sumandal doon. Nginisihan ko ang tatlo at saka ko inilabas ang folded knife ko na nakasuksok sa likod ng short na suot ko. Hinawakan ko ang matalas na talim ng kutsilyo ko at saka tumingin sa mga ito. “A-Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ng mga ito sa akin. Tumayo ako at binuksan ang cabinet na nasa tabi ng kama. May nakita akong duck tape at nilagyan ko ng tape ang mga bibig ng dalawang lalaki na kasama ni Rigo. Muli akong umupo at saka ako tumingin kay Rigo. “Nagi-enjoy ba kayo?” “Put*ng in*! Pakawalan mo ako rito! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!” malakas na sabi nito sa akin. Humalukipkip ako at nilaro ng isang kamay ko ang kutsilyo. “Wala naman akong pakialam kung sino ka, kahit pa nga anak ka ng presidente!” singhal ko sa kanya. “Ilang babae na ba ang nabiktima ninyo, ha? Kanina pa lang pagpasok natin dito sa bahay mo naamoy ko na ang mga pinaggamitan ninyo ng drugs. Huwag na ninyong i-deny dahil kitang-kita ko sa kusina na dinaanan natin kanina ang mga ginamit ninyo!” “Pakawalan mo ako rito! Pagsisihan mo ang ginawa mo sa aking ito!” muling singhal nito sa akin. “Kung magagawa mo pang tumakas.” Isinara ko ang kutsilyo na hawak ko at isinuksok iyon sa aking likod. Tumayo ako at isinuot muli ang hoodie jacket ko. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok bago muling umupo sa silya. “Pakawalan mo kami rito hayop ka!” galit na galit na sigaw sa akin ni Rigo. Napailing ako habang nakatingin dito. “Siguro naman ngayon magtatanda na kayong tatlo! Huwag kayong mag-alala dahil mamayang hapon may dadalaw sa inyong mga pulis.” “Sino ka ba ha?! Bakit mo ba ginawa sa amin ito?! Anong klaseng tao ka ba?!” “Isang baliw.” Malakas akong tumawa at muling nagseryoso. Muli kong inilabas nag kutsilyo ko at itinutok iyon sa mga nakatayonh ar* ng mga ito. “Ang laki mo pero napakaliit naman ng espada mo!” sigaw ko kay Rigo. “Put*ng in*! Babayaran kita! Magkano ang gusto mo para pakawalan mo kami rito!” Matalim ko siyang tinignan. “Hindi ko kailangan ng pera mo dahil mas mayaman ako sa iyo!” “Katulong ka lang! Baliw ka, Shyra! Ikaw ang dapat na makulong!” “Shhh! Bago mo ako husgahan sabunan mong mabuti itong ar* mo napakabantot!” Ipinahid ko sa may kuwelyo ng damit nito ang talim ng kutsilyo ko. Mas lalong nagalit sa akin si Rigo. Nagpumiglas ito pero hindi naman nito magawang kumawala sa pagkakatali ko. “Mananagot ka sa daddy ko! Makakarating sa kanya ang ginawa mo sa akin.” Muli kong kinuha ang duck tape at nilagyan ang bibig ni Rigo. Kinuha ko ang aking cellphone at saka ako tumawag sa police station ng San Rafael. Ini-resport ko ang nangyari at ibinigay ko ang aking alyas. Alam na ng mga ito ang dapat na gawin. Kakampi ng XXX Agents ang mga police kaya alam kong gagawin nila ang lahat para hindi mabunyag ang aking pagkatao. Isa pa, sa mga officers lamang na malapit kay Sir Siege ako nagbibigay ng report dahil confidential ang aming trabaho. Dinukot ko ang maliit na spray sa bulsa ng aking hoodie jacket. Tinakpan ko ang ilong ko at saka ini-spray iyon sa mga ilong ng mga ito. Ginagawa ko ito kapag hindi ko gustong maalala ako ng mga nahuhuli ko at para na rin sa kaligstasan ko. Mawawalan ang mga ito ng malay at makakaramdam ng pagkahilo mamayang paggising nila na para bang nabudol-budol ang mga ito. Pinihit ko ang seradura at saka ako lumbas ng kuwarto. Sa sala hanggang sa kusina ay maraming basyo ng alak at ang mga ginamit na droga. Napailing na lamang ako at hindi na ginalaw ang mga ebidensya. Maraming nasisirang mga buhay dahil sa droga at sina Rigo pati ang mga kasama nito ay dapat maturuan ng leksyon para hindi na makapambiktima pa sa ibang mga babae dito sa subdivision. Hindi magiging ligtas ang mga kababaihan kung may mga lalaki na katulad ni Rigo. NANG lumabas ako ng bahay ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Alas singko na ng umaga, halos isang oras din pala ako sa loob ng bahay ni Rigo. Mas lalo lang kumulo ang aking dugo dahil sa nangyari kanina lalo tuloy sumakit ang aking ulo. Habang tumatakbo ako ay may nakita akong gym na open area. Ngunit may nakalagay na exclusive lamang ang gym sa mga nakatira sa subdivision. Ipinasya kong lumapit sa security guard na bantay ng gym. “Boss, p’wede po bang gumamit ng gym?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “May ID ka ba?” Napakamot ako ng ulo. “Eh, ka-katulong lang po kasi ako, boss.” “Kailangan mo muna ng ID para makapasok,” seryosong sabi naman nito sa akin. Malungkot akong naglakad paalis ngunit nakasalubong ko si Dean. Nagdya-jogging din ito na katulad ko. Nakasuot ng itim na jogging pants at puting t-shirt. Itim ang sapatos na suot at may bimpo sa balikat. “Good morning, bossing. Gusto ko sanang pumasok sa gym na iyon.” Inginuso ko ang open gym na nasa likuran ko. “Kaso exclusive lang pala para sa mga nakatira dito at hinahanapan ako ng ID.” “Come with me.” Naunang naglakad si Dean sa akin at nakangiting sumunod ako sa kanya. “Good morning, sir.” Pagbati ng security guard dito. “Manong Randy, si Shyra nga pala kaibigan ko.” Natuwa ako sa aking narinig kay Dean. Kaibigan daw niya ako… ka… ibigan. Tsk. “Pasensya na kayo, Sir Dean. Ma’am Shyra, sige po pumasok na ho kayo,” nakayukong sabi nito amin. “Maraming salamat po,” nakangiting sabi ko sa security guard na nahihiyang tumingin sa akin. “Ginagawa mo lang ang trabaho mo, Kuya Randy. Wala kang dapat na ipagpaumanhin sa akin.” Nginitian ko siya bago ko sundan si Dean sa loob ng gym. “Exclusive lang ito sa mga home owners kaya ingatan mo ang mga gamit dito dahil babayaran mo ito sa president ng home owner‘s subdivision ang masisirang gamit mo.” “Walang problema, bossing. Este, ingatan ko pala.” Nilapitan ko ang punching bag. Gigil na gigil akong gamitin iyon pero dahil kasama ko si Dean kunwari wala akong alam at inosente. Sinuntok ko ng mahina ang punching bag. “Laksan mo!” malakas na sabi nito sa akin. “Isipin mo iyong tiyahin mo na gusto kang ibenta.” Hinawakan ni Dean ang punching bag at saka ako nginitian. “Sige banat.” Tinapik nito ang magkabilang side ng punching bag at saka inihagis sa akin. Malakas kong sinuntok ang punching bag. Hinawakan ni Dean ang likod no’n para mag-steady. Tatlong sunod-sunod na malalakas na pagsuntok ang ginawa ko. Lumabas ang mga alikabok ng punching bag dahil sa malalakas na pagsuntok ko. Mukha ni Rigo ang nasa isip ko. Lalo tuloy akong nagalit. Umatras ako at pumihit paharap at saka ko sinipa iyon ng sobrang lakas. Nabitawan ni Dean ang punching bag at natumba ito sa sahig. Nagulat ako nang makita ko siya na nakatitig sa akin. Lalapitan ko sana siya pero biglang bumagsak ang punching bag mula sa pagkakatali nito sa kisame ng gym. Natanggal ang hook ng kadena sa punching bag at napigtas ang tela na nakasuporta sa may hook. “Sh-Shyra!” “Bo-Bossing, marupok lang siguro ang pagkakatali.” Napakamot ako sa aking ulo. Inilahad ko ang aking kamay sa harapan ni Dean. “Boss?” Nanlalaki ang mga mata ni Dean habang nakatingin sa akin. “Ang lakas mo.” “Kaya nga ayokong mag-boyfriend, boss. Baka mapatay ko iyong nobyo ko kapag nagselos ako.” Lumapit si Kuya Randy sa amin ni Dean. Bakas sa mukha nito ang pagiging problemado. Tinanggap ni Dean ang kamay ko at inalalayan ko siya na tumayo. Napatingin pa siya sa aking palad matapos ko siyang tulungan. “Ako na ang bahala dito, Kuya Randy. Tatawag na lang ako ng gagawa.” “Si-Sige ho, Sir Dean.” Umalis si Kuya Randy sa harapan namin ni Dean. Hawak pa rin ni Dean ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at tinignan. “Hindi iyan kasing lambot ng kamay ng nobya mo, bossing. Batak na batak iyan sa mga mabibigat na trabaho.” Hinila ko ang aking kamay na hawak nito. “Ibawas mo na lang sa sahod ko iyong pampagawa sa natanggal na punching bag bossing.” Hindi ito umimik kaya minabuti ko na lamang na maglakad palabas ng gym. Sinundan naman niya ako ngunit hindi ito nagsalita. Habang pabalik kami sa bahay nito ay may dumating na mga pulis na nakasakay sa police mobile. Huminto ang mga ito sa harapan namin ni Dean. “Sir, good morning. May nangyari ho ba?” nagtatakang tanong ni Dean sa mga ito. “May natanggap kaming report mula sa isang concern citizen dito na may gumagamit ng drugs at nahuli sila dahil muntik na raw gahasin ng mga drugs users ang biktima.” Kumunot ang mga noo ni Dean. “P’wede ho bang malaman kung sino mga sir?” Tumango naman ang dalawang police officers na dumating. Sumakay kami ni Dean sa police mobile at nagtungo sa bahay ni Rigo. Nilagyan ng yellow caution tape ng mga police ang labas ng bahay ni Rigo. Hindi na kami pinapasok sa loob ng bahay ni Rigo dahil maraming mga usyosero na rin ang naroon sa palibot ng bahay nito. “Bahay ni Rigo ito, a,” nagtatakang ani Dean sa akin. “Ibinigay mo pa sa kanya ang cellphone number mo, tsk. Drug addict naman pala!” “Naku, mabuti pala bossing hindi ko pa sinagot.” “Shyra!” masama akong tinignan ni Dean. “Mula ngayon huwag na huwag ka ng magbibigay ng number mo sa hindi mo kilala baka mapahamak ka pa.” “Concern ka sa akin, bossing?” Seryoso niya akong tinignan. “Oo! Kaya huwag matigas ang ulo mo!” Muli nitong ibinalik ang tingin sa mga pulis na nasa loob ng bahay ni Rigo. Natigilan ako sa sinabi ni Dean. Seryoso siya sa akin? Este concern? Ano kayang ibig sabihin no’n? Naiihi tuloy ako. Charez!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD