Luna’s PoV Nandito ako ngayon sa office ng Azukal De Ruiz at nakatingin sa computer na nasa harapan ko. Kakatapos ko lang tawagan ang mga costumers na kilala ko. Ibinida ko sa kanila ang Rum na gawa sa sugarcane. Tutal mahilig ako sa alak kaya naman naisip ko na bigyan ng magandang marketing ang produkto naming iyon. Habang nakatingin ako sa harap ng computer ko ay nakikita ko ang graph ng mga buwan na walang gaanong benta ang Azukal De Ruiz. Halos bumagsak sa limang digits ang kita nito kada linggo. Napupunta lang sa expenses sa maintainance sa mga makina, pasahod sa mga tao at gastos sa sugar cane farm. Walang pumapasok na income nitong mga nakaraang linggo. Ipinagkatiwala ni Daddy ang pagmamahal ng kompanya kay Uncle Felipe, ang nakakatandang kapatid ni Daddy. Nagtataka ako sa malaki

