Dean‘s PoV “Shyra!” malakas na tawag ko sa kanya. Nagsuot na lamang ako ng robe at saka mabilis na bumaba ng hagdan. Sinundan ko ito na naglakad patungo sa may garden. Nakita ko si Shyra na nasa tapat ng sasakyan nito at hawak na nito ang nakabukas na pinto ng kotse. “Shyra, mag-usap muna tayo,” humahangos na pakiusap ko sa kanya. Pinigil ko ang pasakay nito sa loob ng sasakyan. Isinara ko ang pinto ng kotse nito at saka ito hinarap. Nakita ko sina Manong Celso at Kuya Lindo na nagkatinginan sa may guard house. Seryosong naman itong tumingin sa akin. “Hindi ka na ba lasing? Kung sasabihin mo lang ulit sa akin na maha---” “Hindi ko na iyon sasabihin sa iyo, Shyra. Hindi ko naman gustong ipagpilitan ang sarili ko sa iyo dahil alam kong hindi mo naman ako gusto.” Ayokong patuloy na sak

