Knight’s PoV “Boss?!” seryosong tawag ko sa lalaking nakatalikod sa akin na si Mister Chen Lowcas. Nandito ako ngayon sa loob ng malaking mansion niya sa San Idelfonso. Nakatayo ako sa harapan ng malaking fountain na nasa labas ng garden. Nilingon ako ni Mister Chen at sinsenyasan pa nito ang mga tauhan nitong kausap na umalis. Halata ko sa mukha nito ang pagkabalisa dahil makailang ulit itong nagbuga nang malalim. “May maganda ka bang balita, Christopher?” seryosong tanong nito sa akin bago ito maglakad patungo sa may receiving area ng bahay nito. Umupo ito sa sofa at saka nagsalin ng brandy sa square shot glass na naroon sa glass na lamesita. “Umupo ka, Chris.” Inilahad nito ang kamay sa sofa na nasa tapat nito. “Samahan mo akong uminom.” Sinalinan din nito ang isang baso at saka ini

