"Ano'ng ibig sabihin nito, Princess?" maang na tanong ni Martin Luther sa bunsong anak. Pinagbantaan na nga niya ang mga kapatid at ina upang bigyan sila ng babala. Akala niya ay nakalabas na ng United Kingdom ang mga pamangkin. Subalit hindi pa pala. Dahil hatak-hatak sila ng anak. "Well, ang mga taong nagkasala ay dapat parusahan, Daddy. Maaring pinatawad n'yo sila ni Mommy pero ako ay hindi. Dahil mga bastos silang dalawa." Halatang umuusok pa rin ang ilong ng dalagita dahil sa mga pinsang Swizz. "Pero, anak---" Kahit nga ang inang pinagmanahan sa init ng ulo ay hindi pinatapos sa pananalita. "Kaming mga anak n'yo ba ay binastos na kayo? Mga pinsan kong Español ay ganoon din, nagmistula silang may-ari ng bahay ngunit may nagawa na bang mali? Wala hindi po ba? Ganoon din po ang mga