LUMIPAS pa an mga taon! Tuluyan na ngang nagretiro ang mag-asawang Martin Luther at Mary Claire sa kani-kanilang trabaho. Tinutukan na rin lang nila ang mga sariling negosyo kasama na rito ang MILLERS DETECTIVE AGENCY. "Aba'y nandito na naman kayong lima? Aba'y huwag n'yo namang sayangin ang ipinalasahod ng gobyerno sa inyo!" Salubong at ismid ni Claire sa mga dating tauhan. "Mrs Miller, aba'y ikaw na nga po ang binibisita pero ikaw pa itong nagagalit. May kaagaw na ba si Miss Victoria---" "Hsssh! Huwag kang maingay, boy. Dahil malakas ang pandinig niya. Ngunit kung gusto mong mapalayas ngayon din ay sige lang. Iparinig mo ang nais mong sabihin." Pamumutol ni Anaconda sa mas bata sa kanilang lima. Kaso hindi naman ang dalagang pinag-uusapan ang nakarinig kundi ang dating amo na nasa h