"Finally! Wow! Sa wakas ay makakahinga na rin tayo ng maayos," saad ng isang isang kagalang-galang na lalaki sa mga kasamahan. "Hmmm, mukhang may hindi kami nalalaman, Pare? Ano ba ang good news mo?" patanong ding pahayag ng isa pang Ginoo. Kaya naman ay humarap dito ang isa sa mga naroon. "Tsk! Tsk! Aba'y huwag mong sabihing outdated ka na panyero? Wala ka pa rin bang nabalitaan hanggang sa kasalukuyan?" tanong din nito. "Aba'h! Aba'y liwanagin ninyong dalawa ang sinasabi n'yo. Dahil talaga namang wala akong kaalam-alam kung ano ang nais ninyong tukuyin." Kunot-noo nitong pinaglipat-lipat ang paningin sa mga kasamahan. Kaso ang isa pa sa mga kasamahan ang nagpaliwanag. "Parekoy, talagang outdated ka na nga. Subalit huwag mag-alala dahil isa-isahin nating ipaliwanag. Una, nabulag si