MATAGAL na nakatitig sa salamin sa loob ng banyo si Violet. Suot na niya ang pantulog at katatapos lang maligo at magsuklay. She was torn with fear and excitement. Malamang kasi na paglabas niya ng banyo ay naroon na sa kama nito si Dashiel at naghihintay sa kaniya. Ito na ba 'yon? Dahil sinabi ni Dashiel na hindi ito kasal ay tuluyan na niyang isusuko ang sarili rito? Aminado si Violet, nabubuhay ang pagkabab*e niya sa tuwing hinahawakan ni Dashiel at kahit anong tanggi ng kaniyang isip, kusang bumibigay ang kaniyang katawan. Ang totoo, sa dinner pa lang ay naiisip na niya ang mangyayari oras na mahiga sila sa iisang kama. Sabik siya sa magaganap sa kanila, pero hindi pa rin mawala ang agam-agam ng dalaga. Paano kung hindi totoong hindi kasal si Dashiel? Paano kung sinabi lang nito iy