MAY kasabay na siyang kumain pagdating ng tanghalian. At hindi maitanggi ni Violet sa sarili na mas gusto niyang naroon si Dashiel at kasalo niya sa pagkain. Aminado ang dalaga, mahal pa rin niya si Dashiel. Kahit nang umalis na siya ng isla ay wala siyang ibang minahal. Subalit kung noon ay masaya siya sa nararamdaman kahit pa may Catalina ito na nakatakdang pakasalan, ngayon, hindi niya alam kung tama pa bang buhayin niya ulit ang pagmamahal na meron siya para sa lalake. Ang daming katanungan sa isip niya tungkol dito. Pakiwari niya ay nanunulay sa alambre sa gitna ng dilim at hindi niya alam kung kailan siya magkakabisala ng hakbang at mahuhulog. "You stayed in the balcony for how long?" tanong nito maya-maya. "Sandali lang. Nagpahangin lang ako at nagpaaraw at pagkatapos, pumasok n