Kabanata 43

2006 Words

MISTULANG niyayanig ang kinatatayuan ni Violet. Dinig na dinig niya ang malakas na tib*k ng puso. Ramdam niya ang matinding tensiyon na nakabalot sa kanila sa sandaling iyon. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Dashiel habang nakatayo sila sa harapan ng isang matandang lalake. Aminado siya sa sarili na hirap na hirap siyang tingnan ito. Naghahalo ang takot at pagkamangha sa kaniya. Ang lalake raw ang kasalukuyang pinuno ng Black Sea Family at siyang adoptive father ni Dashiel. Halata ang dugong banyaga sa mukha pa lang nito. Napakatangos ng ilong at natural na mestiso. Sa kabila ng maputi nang buhok, mga gatla sa noo at sa gilid ng mga mata at mga labi ay hindi maipagkakaila na magandang lalake ang mafya babasi. "Hindi nga nagkamali si Deniz," anang buong-buong boses ng matandang lalake

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD