Kabanata 22 - SPG

1546 Words

HININTAY ni Violet na akyatin siya ni Dashiel sa kwarto. Lampas tanghalian na rin naman at sigurado siya na aayain na siya nitong kumain. Hindi nga nagtagal ay nakita niya ang pagpasok ng binata. "Let's eat. Hindi ka pa ba gutom?" bungad nito. Saktong naiinis naman siya sa reply ni Tita Gimena sa message niya kaya nakasimangot siya nang abutan ni Dashiel. Nagusot ang noo nito. "Anong problema?" Binitiwan ni Violet sa kama ang iPad at tumayo upang tagpuin si Dashiel sa gitna. Malaking tao talaga si Dashiel at hindi nakakapagtakang takot dito ang mga tauhan. "What is it?" he asked. Mukhang nakahalata na ito na may mali. "Anong ginawa mo kay Morgan?" Umangat ang mga kilay ni Dashiel sa tanong niya. "What did I do?" "Nakita ko siya na may pasa at dugo sa mukha paglabas ng office mo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD