NABALOT ng pagtataka si Violet nang mabasa ang message ng kaniyang madrasta. Umagang-umaga pa lang iyon at katatapos lang nilang mag-almusal nang sabay ni Dashiel. Nasa opisina ito ngayon habang nagpaalam naman siyang aakyat ng kwarto dahil naiwan nga niya ang iPad. Salamat sa padala mong pera sa amin, Violet, ha! Pakisabi rin sa nobyo mo na salamat! Mag-iingat ka lagi at h'wag kang mag-aalala dahil ako na ang bahala sa tatay mo. Binitiwan ni Violet ang gadget ay lumabas ng kwarto. Kasunod niya ang mga bantay nang bumaba at tuntunin ang opisina ni Dashiel. Nakabantay sa labas noon ang lalakeng lagi niyang nakikita sa tuwing kakain sila. Tiningnan siya nito. Na-realize ni Violet na never pa siyang kinausap ng lalake. "Kailangan kong makausap si Dashiel. Paraanin mo'ko." Tumalikod ang