5 Years Ago. MARAHAS na pinunit ni Dashiel ang hawak na sulat. Galing daw iyon kay Violet at ipinaabot lang ng dalaga para sa kaniya. "I don't believe this!" sigaw niya sabay tapon ng mga napunit na papel. Napaatras sa takot ang kasambahay na si Dollie. Humihingal na inihilamos ng binata ang mga palad sa mukha. Parang may malaking kamay na sumasakal sa kaniya at nahihirapan siyang huminga. Excited at masaya pa siya kanina nang umalis ng rest house para bumili ng singsing na gagamitin nila sa kasal. He could ask someone to buy the wedding band for him and his bride, pero ang gusto niya ay siya ang personal na pumili ng magiging simbolo ng pagiging mag-asawa nila ni Violet. Hindi naman siya nagtagal. Tiwala rin siyang maiwan si Violet dahil pinababantayan naman niya ito sa tauhan, kaya