ISANG marahang buga ng hangin ang pinakawalan ni Dashiel. Hinawakan siya nito sa balikat at kinabig palapit sa katawan nito. He planted a kiss on her forehead. "Alright. H'wag ka nang magalit." Nagusot ang noo ni Violet. Nag-angat siya ng tingin dito. Hindi iyon ang hinihintay niyang sagot sa tanong niya. Hanggang kailan ba maglilihim si Dashiel tungkol sa nangyari rito? Ramdam niya, may tinatago ito sa kaniya. At sigurado siyang iyon ang dahilan kung bakit malayong-malayo na ito sa dating 'Warden' na kilala niya. "I'll make it up to your brother's friend," wika ni Dashiel. "Magpapadala ako ng tao para magpaabot ng financial and medical assistance. I'm sorry, Bullet. I told you, ayaw ko ng kung sino-sino ang kumakausap sa'yo. Kahit sabihin mong walang masamang intensiyon ang taong 'yon