ISANG linggo ulit ang lumipas na hindi nagpakita si Dashiel sa kanilang opisina. Isang linggo ang agad natapos at ibig sabihin ay huling araw na rin ni Emerie sa kanilang branch. Sumasama talaga ang pakiramdam ni Violet sa tuwing naalala ang mga napag-usapan nila ni Dashiel noong isang araw. Paano nito nasabing nakakaimpluwensiya sa kaniya ang kaibigan? Niyaya lang naman siya nito na lumabas para maglibang. Napakamakasarili na rin ni Dashiel ngayon. Hindi rin niya akalain na pati ang ibang tao ay idadamay nito sa problema nila. Subalit kabaligtaran sa unang beses na sinabi ni Emerie na lilipat ito ng branch, masayang-masaya at excited ngayon ang kaibigan niya. Paano ba naman? Kasama ng paglipat nito ng assignment ay ilang pribilehiyo rin ang tatanggapin ng dalaga- dagdag na sweldo, lib