Kabanata 35

2042 Words

NANLALATA at masasakit pa ang ilang parte ng katawan ni Violet nang umalis siya ng bahay kinaumagahan para pumasok sa trabaho. Hindi siya gaanong nakapagpahinga pagkahatid sa kaniya ng tauhan ni Dashiel kagabi. Masama ang loob niya, pero pinigilan niya ang sarili na magmukmok sa magaspang na pagtrato sa kaniya ng binata. Walang duda, isa nang p*ta ang tingin nito sa kaniya. Mapagmalinis na tao, pero talo pa siguro niya ang burak sa paningin ni Dashiel dahil ginamit nga niya ang pera nito. Nanliliit siya. Kung hindi lang may nangyari sa tatay niya ay naibalik na niya ang pera rito. Hindi nito kailangan singilin siya. Pero kagabi ay sinimulan na rin niyang 'magbayad' kay Dashiel dahil aminado rin siyang mahihirapang ibalik ang pera nito nang buo at madalian. Mapait na napangiti si Viol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD