PINAHID ni Violet ang mga luha sa pisngi. Pigilan man, hindi niya maipagkakaila sa sarili na nalulungkot siya para kay Dashiel. "Babam..." dinig niyang usal ni Dashiel habang nakatitig sa portrait ni Don Emir. Naka-display ang larawan sa ibabaw ng cabinet sa loob ng maluwang na opisina ng matandang mafia lider. Mahigit isang linggo na ang nakalipas. The old man shot himself dead. Sa mismong araw na kinausap nito sina Dashiel at Deniz, hinintay lang ng matanda na makalabas siya ng silid at ginawa nito ang pinakamabigat na desisyon na siya ring tumapos sa buhay nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. At lalong hindi ko mapaniwalaan na nagawa niyang isakripisyo ang sariling buhay para sa'kin. For the sake of peace. For my freedom. For my love. For my family. Tatlong lalake